Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel ‘di na virgin

0 1,324

NI: ARCHIE LIAO

Nakatsikahan ni direk Cathy Molina ang kanyang aktor na si Daniel Padilla sa KUMU.

Ayon sa box office director, dalawa lang daw sa aktor na lalake ang itinuturing niyang kaibigan, sina DJ at John Lloyd Cruz.

Sa nasabing huntahan, nabanggit din ni direk Cathy na nagkaroon siya at ang kanyang pamilya ng Covid-19.

Gayunpaman, naka-recover na raw sila kaya nagpapasalamat siya sa Diyos.

Biro naman ni Daniel, astig daw si direk Cathy dahil ito iyong tipong kinatatakutan ng virus.

Kinumusta naman ni direk ang mga proyekto ni DJ.

Sey ng aktor, may gagawin daw siyang teleserye subalit ayaw muna niyang i-reveal ang mga detalye nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Suspetsa ng direktor, ito iyong proyektong ididirehe ni Mae Cruz Alviar.

Naikuwento naman ni Daniel na nakapag-shooting na siya under the new normal.

Ito iyong series na “The House Arrest of Us”

katambal si Kathryn Bernardo.

Tsika ni DJ, hindi na raw siya virgin pagdating sa swab test dahil feeling niya ay lumalaki na ang butas ng kanyang ilong dahil sa kaka-swab.

Miss na rin daw nilang makatrabaho ang isa’t-isa.

Kung magbabalik sa trabaho, gusto rin ni Direk Cathy na ilock-in ang kanyang mga artista

Leave A Reply

Your email address will not be published.