Abante Tonite Interactive

Daniel dinonselya ang labi ni Kathryn

By
1 907

Pinupuna ang kagandahan ng young actress na si Kathryn Bernardo.
Sa interbyu sa kanya ni Kuya Boy (Abunda) sa Tonight With Boy Abunda kamakailan.
Ni-reveal ni Kat na ang first kiss niya with Daniel Padilla ay naganap sa Canada.
Pero ang hindi nakaligtas sa mga televiewer ay ang make-up ng young actress sa programa ni Kuya Boy. Sino raw ba ang nag-make-up sa dalaga. Ang daming komento sa social media. Nakaka-bother daw ‘yung kilay niya.
Ani ng isang netizen, “Sino ba nag make up sa kanya dyan? Ang weird ng kilay.” Tapos kung magsalita pa raw ang dalaga ay acting pabebe pa din kahit nagmama-mature na siya. Wala raw maintindihan sa mga sinasabi dahil para raw ngongo siya kung magsalita. Para raw siyang laging may sipon.
Pagtatanggol naman ng fanatic Kathryn. Baka raw may sakit kaya paos. O kaya naman ay pagod dahil sa sobrang dami ng trabaho. Professionalism daw ang talaga kaya kahit masama ang pakiramdam ay tinutupad ang napapangakuang guesting.
Ang ilong daw ng young actress ay laging ini-emphasize sa mga photo nito. Pero, paliwanag ni Kathryn hindi raw siya nagparetoke ng ilong.
Wala na raw kasing maibato ang basher sa young actress kaya lahat ay napapansin sa dalaga.