Abante Tonite Interactive

Daniel eeksena sa ‘Ang Probinsyano’

677

Naispatan kay Coco:

Ni Rona Ronda

Marami na ang nananabik na muling masilayan ang aktor na si Daniel Padilla sa telebisyon. Isang taon na rin kasi ang nakakalipas nang huli siyang bumida sa teleserye.

Inaasahan na sa susunod na taon ay magbabalik-tambalan ang KathNiel para sa teleserye ng Dreamscape Entertainment.

Hindi pa nailalabas ang buong detalye tungkol dito pero isa itong magandang balita para sa mga fan ng KathNiel. Ang higit na kaabang-abang ay ang balitang bibisita umano ang aktor sa teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Kamakailan kasi ay naispatan na nag-uusap sna Daniel at Coco Martin. Hindi ito malabong mangyari dahil minsan na ring naging guest sa serye ang mga bigating artista gaya nina Anne Curtis, Judy Ann Santos at Vice Ganda.

Bagay rin naman kay Daniel dahil mala-action star rin naman ang datingan niya. Kung sakali man, tiyak na maraming fan ang mag-aabang sa aktor.