Abante Tonite Interactive

Daniel inismiran si Alden

702

Ni: Roldan Castro

Hindi pa rin natatapos ang intriga kina Daniel Padilla at Alden Richards.

May kumalat na video sa Instagram account ni @jessicaa0716 na umismid si DJ habang binabanggit ni Kathryn Bernardo ang pangalan ni Alden. May kinalaman ito sa promo ng “Hello, Love, Goodbye” sa “ASAP”.

Ang caption ng video ay “Bait kaya ng Tisoy namin!!!”

Mukhang nagdadrama raw si DJ na nagseselos sa inasal niya. May nagsabi rin na baka mannerism ni Daniel ‘yun dahil may kailangang ipaayos sa ngipin niya.

Ayon sa source, nakarating na rin sa “The Gift” actor ang nasabing reaksyon ni Daniel sa video.

Ayaw niyang palakihin at pansinin ito. Sey pa raw ng Asia’s Multimedia Star, baka maling anggulo lang ang nakunan kay Daniel. Ayaw niya itong bigyan ng masamang kahulugan.

Baka naubo lang umano si DJ or something. Or baka raw hindi naman para sa kanya ‘yung reaksyon na ‘yun ni Daniel.

Baka hindi naman daw sinasadya ni DJ ‘yun.