Abante Tonite Interactive

Daniel inisnab ang text ni Alden

878

Ni Ronaline Avecilla

Aminado ang ­aktor na si Daniel Padilla na hindi pa rin umano siya kumportable na may ibang kapareha ang girlfriend na si Kathryn Bernardo. Gayunpaman ay todo pa rin ang suporta niya sa aktres.

Sa umpisa umano ay hindi siya sanay pero kailangan niyang intindihin at suportahan ang ginagawa ng nobya niya dahil hindi umano biro ang pagod na inilaan niya rito.

Iniisip na lang ni Daniel na parte ito ng growth nila kaya kaila­ngan niyang maintindihan ang sitwasyon nila.

Aniya, “May mga kailangan tayo, mga risk na kailangang gawin. Nandoon ako. Hundred percent support, siyempre. That’s mi amor. Walang problema.”

Samantala, isiniwalat naman niya na bago ang shooting ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ay nakatanggap umano ng text ang aktor mula sa bagong kapareha ni Kathryn na si Alden Richards.

Pinili na lang umano ni Daniel na hindi tumugon sa mensahe ng Pambansang Bae sa kanya.

Depensa niya, “Iisi­pin mo, ano’ng ire-reply ko sa isang text na ganoon? Para sa akin, sa personal na lang ako. Ayaw ko na lang sabihin sa inyo kung anong sasabihin ko pero I prefer a personal meet-up.”