Abante Tonite Interactive

Daniel, James magsasama sa proyekto

319

Pinagpipistahan sa Twitter ng mga fan nina Daniel Padilla at James Reid ang lumabas na larawan ng dalawa na magkasama for the first time sa isang project. Panay ang repost ng mga fan sa mga nasabing larawan gamit ang hashtag na #doblehataw.

Naglabas na rin ng short video/teaser si James kung saan ay makikitang magkatabi sila ni Daniel at pareho nilang ikinukuwento kung gaano sila ka-excited sa project.

Sa caption, James wrote, “so thrilled to finally be able to work with Daniel on a pro­ject this big and action-packed! Excited na rin ba kayo para sa #DobleHataw? Watch this!”

Abante Hiring – IT dep

Sabi ni Daniel sa video, “ang ganda ng project na ‘to and bagay na bagay sa amin ni James.”

Sey naman ni James, “first project ever.”

Dagdag naman ni Daniel, “maraming matutuwa rito.”

Sa dulo ng video ay nakalagay na “abangan” with matching date na 05.24.19 (May 24, 2019).

Bagama’t hindi naman idinetalye pa ng dalawa kung ano ang proyekto pero may humuhula nang mga fans na endorsement daw ito.

Tuwang-tuwa ang mga tagahanga nila at ang may mga nag-comment na bagay daw sina James at Daniel.

In fairness, ang ganda naman talagang tingnan na magkasama ang dalawang malaking aktor na ito sa isang frame.(Vinia Vivar)