Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn nangangamoy ober da bakod

0 138

May mga artista sa Kapamilya network na nagsabi pala kay Mr. M na handa silang sumama sa kanya sa GMA 7.

Paliwanag ni Mr. M sa isang panayam, sinabihan niya ito na mag stay put sa Mother Ignacia dahil maayos at kainaman ang kontrata nila. Kung saka-sakaling tapos na ang mga ito, saka na nila gawin ang kanilang mga nais.

How true nga kaya ang bulong-bulungan ng mga team dalahira at katkatera, na sa kanilang mapaglarong imahinasyon at pag-iisip, kumbinsido sila na si Kathryn Bernardo ang isa sa mga posibleng nagsabi kay Mr. M na sasama sa kanya?

At dagdag pang hypothesis eh magiging bukas na bukas tiyak ang pagtanggap ng mga taga-Timog kay Queen Kath dahil nga tunay na naging pangabog ang tambalan nito kay Alden Richards.

Kung taos puso ang pagtanggap kay Bernardo, totoo naman kaya ang iniilusyon ng pangkat kanal na sarado ang Timog pintuan sa kay Daniel Padilla?

Grabehan namang mag-isip ang mga diwata at sirenang ito.Parang gusto niyo talagang paghiwalayin sina Bernardo at Padilla, kahit man lang sa karera? Hindi ko masyadong kilala si Kathryn at namumuno sa karera nito pero tiyak, hindi nito iiwanan ang minamahal na si DJ kahit pa siguro ganun ka-lucrative ang offer. Ang diva that you love, ang pakiwari kung kukunin siya, dapat kasama si Padilla.

Nauunawaan ko na marami ang sabik na sabik sa tambalan nina Kathryn at Alden na hindi na imposibleng mangyari muli knowing na Mr. M is now a Kapuso. Siguro, sa isang one time, big time movie muli, Kathryn cannot say no to Mr. M pero hindi pa ito magiging Kapuso, for now at for sure, with Daniel Padilla.

Kris pinagkaguluhan ang video

SM food to go Banner Ad

Marami ang nababaliw dahil ang mga lumang video ni Kris Aquino ay pangmalakasan ang paramdam ngayon sa TikTok universe.

At mind you, dahil sa kaganapang ito, top trending topic si Krissy sa Twitter at hindi siya nag-effort for this, huh. Organic at fan triggered ang trending.

Here, there and everywhere sa nasabing social media site ang pagpapalabas ng video ni Kristine Bernadette noong siya ay “nene” pa. Nakasalamin, may bangs, noong kinakampanya ang kanyang nanay Corazon Aquino sa pagka-presidente. Kitang-kita nga sa video ni walang hint of powder sa mukha si Kristine, huh!

Ang added nakakaloka emote, eh ang mga maricon na nagsasabing na-confirm nila sa kanilang mga sarili ang kanilang mga kabaklaan dahil sa biglang pagbulaga ni Aquino sa kanilang consciousness. At hibang na hibang sila at hindi makalimutan ang kauna-unahan nitong pagbisita sa “See True” dati bilang panauhing pandangal ni the late, great Queen of Gossip and Intrigues, Inday Badiday.

Nakakaaliw rin ang mga hanash naman ng mga homme na tila amoy Johnson’s baby powder ang young Kris.

Obviously, marami ang nakaka-miss kay Kris Aquino. After malibing ang former President Noynoy Aquino na alam naman nating kuya dearest ni Kris, silence is golden ang Digital Empress na nauunawaan naman nating lahat.

Naway ang TikTok video curiosity and trending na ito, will bring a smile to Kris Aquino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.