Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel kay Kathryn: Baka ikaw ang hindi pa ready sa kasal

0 41

NI: BETH GELENA

Nakatutuwang pagmasdan ang magdyowang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang nagtsitsikahan sila about marriage.

Kaharap ng celebrity couple ang tatlong mahuhusay na direktor na sina Cathy Garcia-Molina, Mae Cruz-Alviar, at Olivia Lamasan.

Natanong ang celebrity.couple kung ready na ba silang magpakasal sa.topic nilang 2Good 2Gether.

Ang bilis ng sagot ni DJ, “Ready na ako.”

Natanong din sila, how they see themselves in another 10 years.

Si Kath ay 26 years old at 27 naman si DJ.

“Ang dami pang mangyayari,” sagot ng aktres. “Imagine, 36 na ako by then.”

Dagdag pa ni Kath, “‘Pag 10 years? Siyempre, meron na.”

“Meron na,” sang-ayon naman ng aktor

“Iyon din. Iyon na ‘yung ultimatum ko — ‘pag hindi pa ako kinasal; Kathryn, ‘pag ayaw mo pa, ayoko na!” biro niya sa girlfriend.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero. biglang nagseryoso si Daniel, “Iyon na ‘yung next chapter ng buhay namin. Kailangan na… Ten years na kami rin. Iba ‘yung kasal. After that, you build a house together, build a family together.”

Dagdag naman ni Kathryn, “Iyon na ‘yung magsi-seal sa inyo.”

“Ako, kasi, looking forward na rin ako doon. Kasi, ano pa bang ano ko sa buhay ko? Twenty-seven na ako. What’s next — sa aming dalawa?” susog naman ng aktor.

Masyado pa rin naman daw bata ang 27, sey naman nin direk Cathy.

Sagot ni Daniel, “Masyadong mabilis lalo ang panahon. Ang bilis talaga.”

“At saka dati pa naman, 16 at 17 years old pa lang kami, pinag-uusapan na namin ‘yan. Now, we’re here. What’s the plan after three or two years?”

Ibinahagi naman ni Kath na originally ang intention nilang edad para magpakasal ay ang current age nila.

“Nagmo-move. Dapat 26. Ang bilis pala,” sambit niya.

“Dapat 28, pero hindi pa pala ‘yun,” dagdag naman ni DJ.

Saka bumaling kay Kath at sinabing,“Trenta, usapan natin. Hindi na mamo-move ‘yun.”

Dumis-agrre naman ang gurlfriend, “Dapat pag ready tayo pareho. You can’t say that to me, kasi ‘pag marriage, dapat pareho tayong ready. Alam mong hindi pa tayo ready ngayon. Kailangan pa natin aralin ang buhay, kung paano.”

“Baka ikaw ang hindi pa ready,” Padilla replied. “Ready na ako,” ang mabilis na sagot ni Daniel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.