Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel kay Kathryn: Basta nandun ka ayos na

0 125

NI: VINIA VIVAR

Sobrang kinilig na naman ang KathNiel fans sa showbiz couple/loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa sweetness ng dalawa.

Sa kanyang Instagram page, Kathryn wished DJ good luck sa gaganaping first digital concert ng boyfriend .

Napaka-sweet ng mensahe ni Kath kay DJ at kitang-kita kung gaano siya ka-supportive girlfriend at kung gaano siya ka-excited para sa BF.

“Big day for you tomorrow, my love! This is your first digital concert with no live audience—i know that it will be such a big adjustment for you. But know that everyone from their homes are cheering for you! We miss seeing you on stage and we’re all excited to watch.Goodluck my love!! I know you’ll do great,” ang post ni Kathryn.

At ang sweet din naman ng reply ni Daniel. Aniya, “thank you mahal! Basta nandun ka ayos na.”

Sumagot naman ulit si Kath. “ALWAYS 🖤 malakas ka sakin eh.”

Sapat na ito para kiligin nang bongga ang mga follower pati na ang kanilang mga celebrity friends.

Isa nga sa nag-react si Ruffa Gutierrez. Komento niya, “Sweeettttt.”

Reaction naman ni direk Mae Cruz Alviar, “beautiful! And so sweet!”

Payo naman ni Ryan Agoncillo, “get a zoom guys.”

“Ayieee grabe naman,” komento naman ng isang netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.