Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel kontra sa Kathryn, Alden balik- tambalan

0 89

ROMMEL PLACENTE: Pagkatapos mapanood sa seryeng The House Arrest Of Us ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo,heto’t may kasunod na agad silang gagawing serye.

In fact,nag-look test na nga ang dalawa para rito.This time ay sa RSB (Ruel.S.Bayani) unit naman sila.Ang mamamahala ng show ng KathNiel ay si direk Mae Cruz Alviar. Hindi ito ang first time na makakatrabaho nila si direk Mae.Naidirek na sila ng sa dalawang pelikula na Crazy Beautiful You noong 2015 at Can’t Help Falling In Love noong 2017.

Kahit may pandemic ay arangkada pa rin sina Daniel at Kathryn sa paggawa ng serye.Hindi sila natatakot makihalubilo sa mga tao dahil fully vacinated na naman sila. At siguro mahal lang talaga nila ang mga fan nila kaya talagang hindi sila napapagod gumawa ng proyekto para mapaligaya lang

ang mga ito, di ba?

RODEL FERNANDO :Hindi na ako nagtataka mga ka-Cuatros kung muling binigyan ng ABS-CBN ng serye ang KathNiel. Alam naman kasi natin kapag sila ang gumagawa ng serye ay laging panalo sa rating.Wala pa silang serye na ginawa na hindi nag-rate,di ba?

Hindi gaya nina James Reid at Nadine Lustre na may serye na hindi masyadong tinangkilik ng televiewers .

Ang isa pang laging successful kapag gumagawa ng serye ay ang loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil. Ang pagkakaalam ko kahit gustuhin man silang bigyan ng bagong serye ng ABS ay hindi nila ito tatanggapin.Takot kasi silang mag-taping dahil sa COVID -19. Naiintindihan ko naman.sila. Sana ay gumawa na uli sila ng serye para sa kanilang mga tagahanga.

Pakinggan sana nila ang clamor ng mga ito na muli silang mapanood na umaarte sa isang serye. Nabitin na nga ang mga ito sa panonood ng huling serye na ginawa nila na Make It With You dahil hindi nila ito tinapos nu’ng nagsimula na ang pandemic.

SM food to go Banner Ad

MILDRED AMISTAD BACUD: Matagal na rin naman talagang naiplano ang next project ng KathNiel kaya marami sa mga fan nila ang nakaabang. Pero marami rin ang intriga sa comeback serye ng dalawa. Bakit nga ba hindi na under Dreamscape o Star Creatives?May mga nagsasabi naman na ngayong nasa RSB unit na sila ay hindi na raw pabebe teleserye. May mga komento din na it’s about time na si Daniel Padilla ay sumubok na ng ibang kapareha tulad ng ginawa ni Kathryn na naipareha na sa ibang leading men.

Naku daming reaction from netizens pero true din naman ang komento ng mga KathNiel fans na wala pa talagang flop project ang dalawa and up to this time ay bankable pa rin.

ROLDAN CASTRO: Speaking of ibang kapareha, how true na ayaw ng kampo ni Kathryn na magkaroon ng part 2 ang KathDen?

May kinalaman kaya ito sa sinabi ni Daniel sa isang interbyu kay Kuya Boy na kung may choice lang siya ay ayaw niyang may ibang kapareha si Kath? Kontra ba siya sa balkik-tambalan nina Alden at Kath?

Just asking.

Anyway, sayang naman kung hindi masusundan ang KathDen pagkatapos humataw ito ng record sa takilya.

Pero pandemic pa naman ngayon. Posible pang magbago ang situwasyon balang araw.

Di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.