Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel lumayas na sa showbiz

0 1,832

ROMMEL PLACENTE:Marami tayong mga artista pero hindi naman lahat ay marunong umarte Masuwerte na nga lang na yung iba ay pumatok kahit bano sa aktingan.

Tulad nitong isang hunk actor. In fairness,sumikat siya Ilang beses na nga siyang nagbida sa serye, pero hindi pa rin marunong umarte hanggang ngayon.Matagal na rin naman siya sa showbiz. Nagkataon lang siguro na dahil gwapo siya at hawak ng isang malaking network kaya nagkapangalan siya sa showbiz.

Isa pang hanggang ngayon na hindi marunong umarte ay itong isang aktor na may ka-lovetean.Lagi ngang pinupuna ng kanyang detractors ang kanyang pag-arte.Para raw siyang kahoy na walang kabuhay-buhay pagdating sa aktingan.Gwapo lang daw ito . Sumikat din naman itong aktor na may ka-loveteam.Hawak din kasi siya ng isang malaking network. At palaging may show rito.Malaking tulong talaga na nakikilala ang isang artista kapag may regular show, di ba? Pero in fairrness sa kanya, may talent siya sa dancing at singing ha? Kayo mga ka-Cuatros,sino pa ang kilala ninyong artista na hindi marunong umarte?

RODEL FERNANDO: May kilala ako na isang beauty queen na nag-artista rin na kahit tumagal na sa industriya ay hindi pa rin nag-improve ang kanyang pag-arte. Naalala ko ang isang drama movie na kasama siya, katawa-tawa ang atake ng arte niya. Umiiyak na siya pero ang facial expression ay parang tumatawa .Hindi mo mararamdaman ang pain habang dini-deliver niya ang kanyang dialogue na namatayan ng mahal sa buhay. Hanggang ngayon ay hamonada pa rin siy. Lumalabas pa rin siya sa tv pero hindi na kinuha sa mga drama project dahil talagang hindi siya umuubra.

May isa pang artista na kahit anong gawin ay nananatili pa ring bano sa pag-arte. Kahit siya ay nabiyayaan ng guwapong mukha at magandang katawan ay hindi pa rin makaarte ng tama. Mabuti na lang at may mga padrino siya kaya hindi nakakapagtaka na hanggang ngayon ay visible pa rin siya sa showbiz. Male personality ang tinutukoy namin na may katagalan na rin ang kanyang karera pero hanggang ngayon ay mailap sa kanya ang tawagin na magaling na aktor.

MILDRED A. BACUD: Si Daniel Matsunaga ang sinasabing kahit anong gawin ay hindi magiging mahusay na aktor dahil hanggang dun na lang ang acting. Naging maganda rin naman ang career niya matapos maging grand winner ng Pinoy Big Brother All In . Paglabas ng bahay ni kuya ay nabigyan ng sariling seryeng Be My Lady with ex-girlfriend Erich Gonzales. Pero pagkatapos ng break- up ay lumamlam na rin ang career.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sikat na mga artista gaya nina Heart Evangelista at Erich Gomzales ang mga nakarelasyon niya pero masasabing hindi rin naman umangat dahil nga sa may kulang sa acting. Keri na rin na layasan na niya ang showbiz. Matagal na rin sa showbiz ang aktor pero mahirap siyang magmarka. Disadvantage na rin siguro ang pagiging banyaga niya kaya pipiliian lang siya ng role. Unlike Sam Milby kasi na kahit ngayon bulol pa rin ang tagalog, may singing career naman.

Isa rin ako sa mga nanghinayang nang umalis ang aktres sa bakuran ng Kapamilya network no’n. Inasahan ng kanyang mga fan na mabibigyan siya ng malaking break sa showbiz dahil big winner siya ng ng isang reality. Pero anong nangyari at ganun siya kabilis at pinakawalan siya ng Dos? May isa akong pinagtanungan no’n at sinabing wala raw kasing acting si aktres.

ROLDAN CASTRO: Tama ang desisyon ng Kapuso actor na si Migo Adecer na iwanan na ang showbiz. Magandang desisyon na bumalik na siya sa Australia.

Binigyan na siya ng lead role ng GMA pero marami pa ring kulang sa kanya pagdating sa acting. Ilang taon na siya sa showbiz pero nabubulol pa rin sa pagtatagalog.

Baka sa ibang bansa ay mas may magandang naghihintay sa kanya.

Babu!

Leave A Reply

Your email address will not be published.