Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel magpapakalbo

0 107

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon si Daniel Padilla dahil inuudyukan ng ilang kibitzers na magpakalbo na lang sa kinakaharap na problema nito kaugnay ng kanyang negosyo.

Baka raw sakali, maging uso ito lalo pa’t kung ang tinaguriang Teen King ang magpapasimula.

Magandang come on din daw ito sa kanyang negosyo.

Kamakailan lang, inamin ng actor na problemado siya dahil apektado ng krisis ang kanyang barber shop business dahil sa COVID-19 pandemic at sa pagsasara ng ABS-CBN.

Aniya, dahil lugi ang negosyo, kailangan din nilang mag-lay off ng mga tao .Dusa talaga siyang igapang ang kanilang business.

Ang nasabing negosyo ay itinayo ni DJ kung saan kasosyo niya ang kanyang kasintahang si Kathryn Bernardo at ilang kaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.