Abante Tonite Interactive

Daniel Matsunaga dyosa ang ipinalit kay Erich Gonzales

By
299

KINUMPIRMA ni Daniel­ Matsunaga na isang modelo ang kanyang girlfriend ngayon­, si Karolina Pisarek.

Gusto­ sanang iwasan ni Daniel ang mga tanong ko tungkol sa nabalitaan naming girlfriend niya, pero hindi na niya nagawa pang tumanggi at ­inaming ito nga ang kasintahan niya ngayon.

Well, mismong mga followers niya sa Instagram ang nagpangalan­ sa girlfriend niya ngayon­.

Ilan sa mga fans ng team-up nila nina Eric­h Gonzales ang patuloy na umaasang magkakaba­likan pa ang dalawa, kaya naman isang follower nito sa IG ang nagbanggit ng pangalan ni Karolina Pisarek, na siya raw ngayon ang nagmamay-ari ng puso ni Daniel.

Sa presscon nga ng Spirits of the Glass 2: The Haunted, gulat na gulat talaga si Daniel nu’ng banggitin ko ang panga­lan ni Karolina. At sa pag-search namin sa Instagram account ni Karolina, isa itong modelo na taga-Greece.

Ibig sabihin, isang Dyosa ang apple of the eye ng sexy-actor. Dahil sa Athens galing ang kuwento ng mga Greek Gods and Goddesses.

Hindi na nagbigay ng ano pang detalye si Danie­l sa kung paano at saan sila nagkakilala ni Karolina.

Pero, ayon sa kanya, sa pagkakataong­ ito gusto raw niyang maging private ang kanyang lovelife at natututo na siyang huwag iladlad nang husto sa public ang kanyang personal life gaya nu’ng relationship nila ni Erich­ Gonzales.

Hindi sinabi ni Da­niel kung narito sa Pinas ang kasintahan o nasa Athens pa rin. Pero sabi niya kahit daw long-distance pa ang lovelife niya, hindi ito magiging problema basta mahal niya ang isang tao.

So, meaning isang malaking period na ang nakaraan nila ni Erich, na ayon kay Daniel ay nagdulot ng malaking heartaches sa kanilang pamilya.

Noranians dismayado kay Janine Gutierrez

DISMAYADO at siguradong malulungkot ang mga fans ng superstar na si Nora Aunor dahil nagsabi na si Janine Gutierrez na hindi siya makakadalo sa 50th anniversary celebration sa showbiz ni Ate Guy.

Si Janine ang panganay na anak ni Lotlot de Leon sa dating asawang si Ramon Christopher.

Si Lotlot ay anak ni Nora. Hindi alam ni Janine na may selebrasyon nga­yong gabi na gaganapin sa Vera Perez Gardens o Sampaguita Gardens.

Tinanong pa niya sa amin kung saan ang event ng lola niya, na parang hindi niya nabalitaan.

In fairness naman kay Janine, kailan lang na-finalize ng mga avid supporters ni Ate Guy ang binu­o nilang selebrasyon para sa kanilang idol.

Ayon kay Janine, gustuhin man niya ay nakalaan ang kanyang weekends sa taping­ ng kanyang serye.

Inamin ni Janine na hindi sila gaanong nakakapag-usap ng kanyang lola, pero itinanggi niyang mayroon siyang sinabi sa interview na mas malapit siya sa Lola Pilita Corrales niya na ina ng daddy niya, kesa sa Lola Nora niya.

Base raw sa natatandaan niya, malaki ang pasasalamat niya sa Lola Nora niya maging sa mga fans nito dahil sinusuportahan daw siya ng mga ito kahit hindi pa siya pumapasok sa showbiz.

Inaasahan ni Janine na magkakasama sila ng Lola Guy niya bakasyon ngayong Pasko.

Anyway, sa Nov. 1 na ipalalabas ang Spirit of the Glass 2: The Haunted na pinagbibidahan din nina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga at marami pang iba.