Abante Tonite Interactive

Daniel may tampo sa ina

0 776

ROMMEL PLACENTE: May lalaking nagpapasaya ngayon sa buhay ni Karla Estrada na mas bata kesa kanya. Ito’y si Jam Ignacio.

Halatang in love na in love dito si Karla. Keber niya kahit malayo ang agwat ng edad nila.

Sa interview sa anak ni Karla na si Daniel Padilla noong Friday sa “TWBA”, sabi niya kay Tito Boy, ayaw daw niyang maging kontrabida sa love life ng ina dahil hindi naman daw nito mabibigay ang kaligayahang nararamdaman ni Karla. Tama lang naman.

Hindi dapat nakikialam ang anak sa buhay pag-ibig ng ina o magulang. Puwedeng magpayo lang si Daniel kay Karla pagdating sa usaping pag- ibig dahil nakita naman niya o saksi siya sa mga pakikipagrelasyon ng ina before. Nakita niya kung paano ito naging masaya at malungkot pagdating sa love life. Pero hanggang payo lang talaga si Daniel.

Hindi niya pwedeng diktahan kung sino ang dapat mahalin o kanino dapat makipagrelasyon si Karla. Besides, matanda na naman ang aktres. Marami na siyang pinagdaanan sa love life. Baka naman this time ay matututo na ito at mararamdaman naman niya kung talagang sincere o hindi sa kanya si Jam.

Ipagdasal na lang ni Daniel na sana ay talagang natagpuan na ni Karla ang right guy para sa kanya at hindi na ito masaktan pang muli.

RODEL FERNANDO: Luma-love life talaga ngayon si Karla at daig pa niya ang mga bagets kapag kasama si Jam. Kitang-kita ang ngiti sa mukha kapag kasama niya ang lalaking nagpapatibok ngayon ng kanyang puso.

Panahon na rin siguro na magkaroon siya ng boyfriend dahil mula kay Rommel Padilla hanggang sa mga lalaking nakarelasyon niya ay hindi naging maganda ang kinahinatnan.

How true na may tampo raw si Daniel sa kanyang ina? May mga sandali raw na hindi sila nagkikibuan. Totoo rin ba na hindi pabor ang Teen King sa bagong boyfriend ni Karla? Marahil kung totoo man ito ay baka nakakapag-isip si Daniel na mauwi na naman sa wala ang lahat ng ito. Ayaw na niya sigurong masaktan ang kanyang mother dear.

Anyway, tumatanda na rin si Karla at dapat lang na magkaroon na siya ng “forever”. Sana nga ay seryosohin na siya ni Jam para siya na ang huling lalaking mamahalin ni Queen Mother.

MILDRED BACUD: Masyado pang maaga para sabihin na matatag na rin naman ang relasyon nina Karla at Jam. Nitong June lamang naman sila nagkarelasyon. Pero in fairness, kita naman sa mga post ng aktres na masaya siya sa piling ng boyfriend.

Walang conflict pagdating sa mga anak dahil may dalawang anak na rin naman si Jam.

Hindi rin naman masisisi si Daniel kung concern siya sa ina dahil alam naman natin pagdating sa pag-ibig ay grabe ma-in love si Karla. Ilang failed relationship na ba ang naranasan niya. Not to judge her pero feeling namin gusto lamang ni Daniel na maging maayos ang lahat. Saksi lang naman ang aktor sa mga pighati ng ina pagdating sa love. Kung mothers knows best, may instinct din ang mga anak sa kung anong makakabuti sa ina. Dahil sa ilang beses na pagkakadapa sa love, nahirapan din si Karla na itaguyod ang mga anak. Buti na lang nag-artista si Daniel na malaki ang naitulong sa pamilya para guminhawa ang buhay nila.

RONA RONDA: Marahil over-protective lang si Daniel sa ina niya na maraming beses nang nasaktan. Ganyan talaga, siyempre produkto rin si Daniel ng isang failed relationship. Kahit sinong anak ay masasaktan kapag nakikitang broken ang ina. Kaya hangga’t maaari ay iniiwasan ni Daniel na mapunta na naman sa maling tao si Karla.

Pero who knows ‘di ba? Walang makakapredikta kung pang-forever na ba ang dyowa ni Karla ngayon. Ang kailangan na lang gawin ni Daniel ay maging masaya para sa ina, although hindi natin maiaalis sa aktor na mag-alala.