Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel nagbanta sa manlolokong lalaki

0 196

Lumabas na naman ang pagiging protective kuya ni Daniel Padilla kahapon sa guesting niya sa Magandang Buhay. Ang topic kasi ay ang mga younger sister niya na si Margaret (Magui) at ang bunsong si Carmella.

Natanong kasi si Daniel kung ano ang gagawin niya sakaling lokohin ng boyfriend si Magui (who just turned 18 last Feb) at aliw ang sagot ng aktor.

“Ah, hindi pwede ‘yun,” sambit ni DJ (nickname ni Daniel), “siyempre, naku, kailangan niyang harapin ang kasalanan niya.”

Komento tuloy ng host na si Melai Cantiveros, “kung hindi n’yo kayang harapin, huwag na kayong manligaw kay Magui.”

Sagot naman ni Daniel, “saka, hindi pa puwedeng manligaw kay Magui, hindi pwede. Naku, masyadong mataas ang standards ng utol ko.”

Nag-guest din via video call sina Magui and Carmella at naaliw rin kami sa reaksyon ni DJ nang makita ang porma ng bunso niyang kapatid na parang dalaga na.

“Hindi pa nga dalaga ‘yan, ba’t pumoporma ng ganyan? Carmella!” sabi ni Daniel. Hahaha!

Nang sabihin naman ni Magui na nakikita na siya ng kuya niya ngayon bilang mature lady, nakakunot ang noo ni Daniel.

“Ba’t ganyan ang mukha mo kuya?” natatawang tanong ni Magui.

Sagot ni Daniel, “mature lady?”

Ayon naman sa ina nilang si Karla Estrada, kung ano raw ang sabihin ni Daniel pagdating sa mga kapatid ay ‘yun ang masusunod. Ipinamahala na raw niya kay Daniel at sa isa pang anak na lalaki na si Jose Carlitos ang pag-aalaga sa dalawang younger sisters.

Sinabi naman ni Daniel na pati ang girlfriend niyang si Kathryn Bernardo ay tumatayong ate kina Magui at Carmella.

“Si Kathryn tumatayo rin na bilang ate sa kanila Carmella. So, alam mo ‘yun, I think it’s a good example na makita nila Carmella, ni Magui, kung paano kami ni Kathryn naman.

“At least may nakikita silang ganon na you know, for me, yung love kasi namin ni Kathryn is surreal. Hindi siya negative para sa aming dalawa. Magandang tinitingala muna kami nila Carmella, di ba? Makakakuha ng lessons about love, and well, balik lang ako, hindi naman kami eksperto pero kami ho, eh, masuwerte sa aming dalawa talaga. Hindi ko naman pwedeng ipagkait ‘yun. So, take notes lang Carmella at Magui, ha?” sabi ni Daniel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.