Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel nagpaiyak ng babae sa taping; kilikili proud ipaamoy

0 225

Ibinuking ng Truth or Dare: Operation Odette, Isang Daan sa Pagtutulungan host na si Alora Sasam kung paano siya pinaiyak ni Daniel Padilla . Ito ay sa set ng kanilang serye noong “The House Arrest of Us.”

Sinita raw siya noon ng aktor dahil sa pagiging maligalig niya at maingay sa set. Hindi raw makapag-concentrate ang aktor sa kanyang pag-arte.

Sey niya, mas maingay raw at pasaway ang dyowa nitong si Kathryn Bernardo kumpara sa kanya pero hindi ito sinaway ng aktor.

Iyon pala, pinagtripan lang daw siya ng aktor dahil sa prank nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa huli, naalo lang daw siya nang ipagtanggol siya ni Kathryn at pagalitan nito si DJ sa pagsita sa kanya.

Sa nasabing show, natanong naman ng host na si Darla Sauler kay DJ kung anong bahagi ng kanyang katawan ang confident siyang ipaamoy kahit kanino.

Ani Daniel, bet daw niyang ipaamoy ang kanyang mga kilikili na aniya’y mabango at malinis kahit kanino.

Para patunayan ang kanyang sinasabi, ipinaamoy ni DJ ang kanyang kilikili kina Zanjoe Marudo, Joshua Garcia at Hyubs Azarcon na kasama niyang guests sa show.

Leave A Reply

Your email address will not be published.