Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel nagparamdam kay Heart

0 110

NI: ARCHIE LIAO
Sa nakaraang birthday ni Chiz Escudero, binaha ito ng mga pagbati nang magbigay ng sweet na mensahe ang misis nitong si Heart Evangelista sa kanyang Instagram.

Sa ibinahaging photo niya kasama ang mister , may caption itong “Life’s a lot better with you. @escuderochiz”

Sey pa ni Heart, mapalad daw siya sa pagkakaroon ng asawang bukod sa matalino ay mabait at maprinsipyo.

Tinawag din niyang “favorite person” ang kanyang katuwang sa buhay.

Hindi naman nakalampas sa netizens ang pagpaparamdam ng Japanese-Brazilian model,aktor at ex ni Heart na si Daniel Matsunaga na humirit ng “Happy birthday po.”

Nag-reply naman si Heart sa wikang Brazilian kay Daniel nang “kkkkk obrigado makako” na ang ibig sabihin ay thank you.

May nang-iintriga rin sa naging post ni Heart dahil sa sinabi nitong mas mabuti at masaya ang buhay niya ngayon dahil sa kanyang hubby.

Kung sakali raw kayang si Daniel ang nakatuluyan ng aktres, magiging masaya raw kaya o komportable ang buhay nito?

Bukod kay Heart, si Daniel ay nakarelasyon din ni Erich Gonzales.

Huli siyang na-link sa Polish model na si Katolina Pisarek na ang relasyon ay nauwi rin sa hiwalayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.