Abante Tonite Interactive

Daniel nahiya kay Sarah

By
5,249

Puno ang Smart Araneta Coliseum sa sold-out concert ni Sarah Geronimo na This 15 Me nu’ng Sabado nang gabi.

Ang haba ng concert, na 9:20 PM na nagsimula at pasado 12 midnight na natapos.

Ang dami naming gustong i-edit sa show, na puwede namang mas naging mabilis sana ang pacing at hindi ganu’n kahaba.
‘Yung prod ni Sarah with Daniel Padilla ang highlight of the night para sa amin.

Grabe ang lakas ng hiyawan sa Big Dome paglabas ni Daniel, na guwapong-guwapo at napakasimpatiko ng dating sa kanyang black suit.

Nag-duet sina Sarah-Daniel ng Quando Quando Quando. Old soul si DJ kaya hilig niya ang mga lumang kanta na katulad nu’n.

In all fairness ay ang lakas ng chemistry ng SarNiel!

“Ang guwapo naman ng batang ‘to! Ilang taon ka na nga ulit?” natatawang dayalog ni SG kay DJ after ng first song nila.

Tilian pa more ang Araneta crowd sa next duet nila na The Way You Look Tonight.

Parang nahihiya ang Kapamilya heartthrob at hindi ito makatitig sa Popstar Princess.

Si Sarah naman ay parang pa-girl kapag si DJ ang kasama.

Body hugging ang ginintuang outfit ni Sarah sa portion na ‘to at ang sexy niya lalo na ‘pag pa-sway-sway ang kanyang katawan.

Hiyawan ulit nang suma­yaw sila saglit ni DJ, tapos ay kinuha ng binata ang kamay niya at umikot ito.

“Ms. Sarah, maraming salamat po,” magalang na pakli ni DJ after their number.

“Ang galing-galing, o! Ang guwapo-guwapong bata!” bu­lalas ng tila kinikilig na si Sarah habang ume-exit si DJ.
Wish namin na pagtambalin sa pelikula ang Sarah-Daniel, na hindi maikakaila ang nagmumurang chemistry. Meron talaga ang dalawa, pramis!

Parang nakikita namin kay Daniel ang bagong John Lloyd Cruz sa buhay ni Sa­rah, na ‘pag pinagtambal sila ay tiyak na big hit ang pelikula at tiyak na masusundan pa.

Paging, Star Cinema… do it, please!
***

Pop Star Princess nahawa sa pagkasintunado ni Xian

May piano paandar si Xian Lim sa duet nila ng Pop Star Princess na si Sarah G. ng Love Me Like You Do ni Ellie Goulding

Ang baba ng tono ni Xian kaya may effort si Sarah na babaan ang boses niya para magtugma sila.

Sa ending ng song ay halatang hindi kuntento si Sarah kaya sabi niya kay Xian, “Sorry! Isa pa ‘yon, isa pa ‘yon!”
Inulit nila ‘yung last line ng kanta, pero parang nahawa si Sarah sa pagkasintunado ni Xian. Natawa na lang siya.

After magsalita ni Xian, parang hindi talaga mapalagay si Sarah kaya humirit ito kay Xian na, “Bago matapos, tapusin muna natin ‘yung kanta!”

Reaksyon ni Xian, “Hindi pa ba tapos?”

Sagot ni Sarah, “‘Yung ‘What are you waiting for?’”

“Ah, ‘yung last note?” tanong ni Xian.

‘Yun pala, mula sa chorus ang gusto ni Sarah.

“Ah, chorus ulit tayo?” sey ng parang naguguluhan na si Xian, habang si Sarah ay desididong i-rectify ang sitwasyon.

So ayun, sing nila ulit ang chorus, na sa dulo, Sarah sustained the note at medyo itinaas niya ito nang konti.

After that ay tila nakuntento na si SG dahil napasigaw siya ng, “Yey!” na may kasama pang talon.

Doon lang niya pina-exit ang guest niyang si Xian.

PAK!
***

James effortless ang galawan

Kung tahimik ang audience kay Xian, ang lakas naman ng hiyawan ng Big Dome paglabas ni James Reid.

Sing and dance ang duet nila ni Sarah. Effortless ang galawan ng dalawa.

May movie ang Sarah-James, pero in fairness ay hindi sila nag-promote. Exit agad si James after his number.

Humataw muna ng sa­yaw si Sarah bago ang prod nila ni Billy Crawford.

Ang angas ng galawan ni Sarah G, na ang sexy ng mga kembot at giling. Meron pa siyang papuwet, kaya tilian ang Popsters.

In all fairness ay ang husay sumayaw ni Sarah. Girl na girl siya at ang linis ng movements niya.

Ang payat ni Billy at ang gaan ng katawan nito. Magka-match ang energy nila ni SG kaya ang sarap nilang pagmasdan sa stage.

Hindi namin masasabing isa ang This 15 Me sa pinakagusto naming concert ni Sarah na napanood namin, pero ang sigurado namin ay wala pa ring kupas ang boses niya at parang mas lalo pa itong gumanda!

======================

Leandrea pambato ng mga Padilla sa Miss Earth

Artistahin ang kandidata ng Miss Philippines Earth 2018 na si Leandrea Gabrielle Batingan. Dugong showbiz ang nananalaytay sa kanya dahil mula siya sa Padilla-Osorio clan. Apo siya ni Direk Bebong Osorio. Kamag-anak din niya sina Robin Padilla at yumaong Rudy Fernandez.

Proud si Len Carillo, presidente ng 3:16 Events & Talent Management sa talent niyang si Leandrea. Mas gusto raw nitong mag-concentrate sa pagkanta kesa sa acting ‘pag papasukin na niya ang showbiz.

Bast­a ngayon focus siya sa Miss Philippines Earth 2018? Bakit gusto niyang manalo sa pageant na ito?

“I want to use my voice to implement and spread awareness and knowledge of how we will be able to save the plane­t Earth. I believe, there is a differenc­e between explaining and telling people what climate change really is. It is timely and needs full attention to be solved, but first we need to stand as a nation in order to preserve the Mother Earth. People need to understand that if we want something to be fixed, then we need to have constant cooperation. I want to share this not only to my country, but the whole world,” tugon niya sa www.miss­philippines-earth.com.

Si Leandrea ang pinakabatang kandidata ngayong taong ito, 18 years old at estudyante ng Huma­nities and Social Sciences sa College of Saint Anthony. Kinatawan siya ng San Jose del Monte City. May taas siyang 5 feet 7 inches. Ang vital statistics niya ay 33-24-35.

Ang advocacy ni Leandrea ay mabawasan ang paggamit ng plastic.

Nanalo rin siyang Mutya ng Tanglawan 2017 at nag-title bilang Miss Philippines Junior Model International 2017.

Makasungkit kaya siya ng title sa Miss Philippines Earth 2018 sa May 19 , 2018 sa Mall of Asia Arena?
Abangan!