Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel nawala ang takot sa gagamba dahil kay Kathryn

0 72

Kung dati ay takot sa gagamba si Daniel Padilla, inamin ng aktor na na-conquer na niya ito all because of girlfriend, Kathryn Bernardo.

Napag-usapan sa vlog ni Zanjoe Marudo na Zanjoe and Hyubs Talkshow sa YouTube ang takot sa gagamba ni Daniel. Actually ang ikli lang ng video, saktong 2 minutes lang at kaswal lang ang kanilang kwentuhan.

Hindi namin alam kung saan kuha ang video at kung bakit sila magkakasama pero sa comment section ay may nagkomentong netizen na nagpunta raw ang KathNiel sa resthouse ni Z sa Batangas.

Sa video ay sina Hyubs at Daniel lang ang nasa screen habang si Z naman ang kumukuha. Ang boses ni Kathryn ay naririnig lang in the background.

Tinanong ni Hyubs si Daniel kung takot pa ba sa gagamba si Daniel at sagot ng aktor, “hindi naman ako takot sa gagamba, nirerespeto ko lang ‘yung mga. . .”

Tanong ni Hyubs, “kanino ka mas takot, sa gagamba o kay Kathryn?” Tawanan at pati si Kath ay maririnig ang tawa.

Ayon kay Daniel ay na-conquer na niya ang kanyang fear sa gagamba.

“Alam mo, sa dami ng pinagdaanan sa buhay ko, ‘yang gagamba wala na ‘yan,” he said.

“Kunyari, may gagamba sa banyo, sino ba ang tatawagin ni Kathryn? Ako rin, di ba?” dagdag ni Daniel sabay-tawa.

“Walang no choice,” joke pa niya habang panay ang tawanan nila.

“Pwede ba ‘yung ako pa ‘yung takot? Hindi pwede ‘yun, ‘tol! Ang labo naman nu’n,” natatawa pa rin niyang sabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kilig na kilig naman ang mga KathNiel fans at komento nila, napaka-sweet daw talaga ni Daniel na gagawin ang lahat para kay Kathryn.

@@@

Vice adik sa BTS

Fan na rin pala si Vice Ganda ng sikat na Korean boy band na BTS. Sa kanyang Twitter account ay sinani ni Unkabogable Star na bagitong tagahanga pa lang daw siya at nahihiya siya sa ARMY (tawag sa mga fans ng BTS).

“Nahihiya ako sa mga ARMY. Bago palang akong super faney ng BTS and wala pa kong masyadong alam kaya ayokong magpakafeelingera na ARMY ako. Pero thankful ako ng severe sa mga nagwewelcome sakin. Ang saya pala talaga no! Chugug!” tweet ni Vice.

Sumagot naman ang ilang ARMY na mainit nilang wine-welcome si Vice sa fandom.

May nag-aalala namang fan na baka raw pagselosan ng dyowa ni Vice Ganda na si Ion Perez ang BTS.

“Feeling ko nagseselos din si ion,sa showtime nga lang sa bidaman nagseselos na sya pano na kaya kung sobrang naadik kana sa BTS sa mata mo palang makikita ng ansaya saya mo pero si Ion pano na sya,alam ko na wala akong karapatan na magsabi ng ganto pero inaalala ko lang si ion,” komento ng fan.

Ang iba namang mga fan ng BTS ay pinapipila si Vice Ganda.

“HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA MAHAL KA NAMIN MEME PERO WALANG SPECIAL STREATMENT DITO WALANG ARTI-ARTISTA.. KUNG PILA PILA!” tweet ng isang BTS fan.

May isang ARMY naman na nagpaalala kay Vice na nagkaroon na ng collaboration ang cosmetics ng TV host at BT21 (characters na likha ng Line Friends and BTS).

Leave A Reply

Your email address will not be published.