Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel Padilla sinalpok sa sports car

0 595

Agaw-eksena at natigil ang takbo ng ilang sasakyan sa Quezon City nang salpukin ng isang tricycle driver ang sports car na minamaneho mismo ng aktor na si Daniel Padilla.

Nangyari ang insidente sa Regalado Avenue, West Fairview, QC kahapon ng hapon kung saan imbes na pagmultahin at pagalitan ang reckless na trike driver sa sumalpok sa likuran ng yayamaning sasakyan, inabutan pa umano ito ng Pinoy heartthrob ng pera. Sinasabing nagkakahalaga ng P9 milyon ang sports car.

Ligtas at walang sugat si Daniel na kilalang dyowa ng premyadong aktres na si Kathryn Bernardo.

Ang nasabing insidente ay ibinahagi ng singer/actress na si Angeline Quinto sa kanyang IG account mula sa Facebook post ng isang netizen na si Jayar Bagamano.

“LOOK: Daniel Padilla spotted at Regalado Ave West fairview nabangga ng tricycle yung sasakyan niya siya pa nagbigay ng pera sa tricycle driver. What a good samaritan. Sobrang bait naman. Yung siya na nabangga siya pa nagbayad sa tricycle driver,” caption nito kalakip ang larawan at senaryo kung saan bumaba pa ang aktor at personal na kinausap ang binanggang driver.

Leave A Reply

Your email address will not be published.