Abante Tonite Interactive

Daniel Padilla sumawsaw sa away ng ina

By
5,023

Galit na naglitanya si Karla Estrada sa mga following n’ya sa Twitter. Ipinagtanggol niya ang kanyang anak kaugnay sa ticket para sa isang Korean concert na ninanais nitong panoorin.

Na-offend si Karla sa akusasyon sa anak niya mula sa ilang following. Sinasabi nilang gumagamit diumano ng koneksyon ang pamilya ni Karla para makakuha ng ticket na hindi na available sa market.

@Estrada21Karla, “Lahat tayo, kasama ang anak kong si Magui, ay may karapatan maging fan. If you are bashing your own idol, yun ang fake fan. Wala tayong KARAPATAN para pigilan ang isang Tao para maging follower ng Korean stars. AS IN WALA #wagmakitid #wagmadamotsadimopagaari.”

Hindi pinalampas ng ilan ang tweet na ito ni Karla. Tahasang kinontra ng ilan ang mensahe ng nanay ni Daniel Padilla.

@whatsavotingacc replyin to @Estrada21Karla, “Ma’am, who said we were stopping her? All we’re concerned about is the fact that she has connections and would be able to get tickets easily while other fans who actually waited in line and tried so hard to get tickets didn’t get any. Tell me, wouldn’t you be upset about.”

Sinegundahan ito ng isa pang pasaring mula sa netizen.

@VVSuhoVV, “Di n’ya naintindihan ‘yan kasi di naghirap ang anak nya sa linya at naubusan ng tickets! Ang layo ng explanation mo @Estrada21Karla wag kang basta basta mag comment ng di mo alam pinagsasabi mo!!”

Nagtanggol naman ang ibang mga kapanalig ni Karla at in-screen shot ang tweet ng anak nya na nagsasabing “I don’t have tickets”.

@WillowWicky, “The thing is, where did they get that from? Magui was asking where to get the tickets and they assumed right away. She doesn’t have a ticket”.

@serensnow, “and my proof ba kayo na gumagamit sya ng connections na sinasabi nyo? Siya nga mismo nagsabi oh, WALA SIYANG TIX wag kasing gumawa nang kuwento agad-agad na pati damdamin ng bata sinasaktan nyo.”

Dahil sa palitan ng mga opinyon, nagbangayan na ang mga fans nang magkakasalungat na opinyon.

Sumasaw na rin sa isyu si Daniel Padilla na ni-retweet ang post ng kanyang ina.