Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel ramdam na nanalo ang kasamaan

0 117

NI: VINIA VIVAR

Inamin ni Daniel Padilla sa isang panayam na talagang nagkaroon siya ng mental stress dahil sa sunod-sunod na hindi magagandang pangyayari brought about by the pandemic na nasundan pa ng ABS-CBN shutdown.

“Alam ko yung feeling eh. Nagkaroon kasi ako nung time nung pandemic na medyo stressed ako mentally,” ani Daniel as quoted by push.com.

“Parang hindi ako sanay nung ganun. Siyempre naapektuhan ka nung lahat ng nangyayari, pandemic tapos yung nangyayari sa ABS-CBN.

“Parang oh my God what’s happening? Ano na nangyayari sa mundo? Parang nanalo ang kasamaan. Bakit ganito di ba? So ang ginawa na lang natin is yes, nandiyan ang kasamaan pero kumbaga sabuyan ng positivity para sa mga tao.

“Ano bang puwede natin gawin para makatulong at mang-inspire ng tao sa dapat nating binibigyan pansin? Kahit ako nag-aral ako kung ano ba dapat binibigyan ko ng pansin ngayon. Ano ba yung mga bagay na makakabigay ng pagbabago? Ano ba yung dapat kong inaalagaan? Maraming bagay eh,” patuloy niya.

Sa mga ganitong pagkakataon, kumukuha na lang daw sila ng lakas ni Kathryn Bernardo sa kanilang pamilya.

“Kaming dalawa, kumukuha lang kami ng lakas sa pamilya namin. Yun lang naman talaga eh. Wala naman tayong iba, yung mga kaibigan mo hindi mo naman makikita,” Daniel was quoted to have been said.

Patuloy pa niya, “kasi para sa amin ni Kathryn, dun na lang namin tinitingnan na nabigyan kami ng pagkakataon na makasama yung mga pamilya namin, maka-bonding sila, magawa namin ‘yung mga hindi namin nagagawa na nagagawa dati. Balikan ‘yung happy times namin before kung ano na kami ngayon. ‘Yun yung mga bagay na nagpasaya na lang sa amin.”

Mas dapat daw pairalin ngayon ang pagkakaisa hindi lang sa Pilipinas kungdi sa buong mundo.

“The problem now is masyado tayong divided with our opinions na hindi na natin nakikita kung ano ba dapat ang pinagbibigyan natin ng pansin di ba? Now kailangan natin magkaisa sa ating mga beliefs at sa mga ipinaglalaban natin. Dapat pare-pareho tayo. It goes out hindi lang para sa Pilipinas kung di sa buong mundo,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.