Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel sinisi ng tsuper

0 155

Up to now ay hindi pa rin nakakalimutan ng mga tao ang kabaitang ipinakita ni Daniel Padilla sa tricycle driver na bumangga sa kanyang sports car last August pero siya na nga ang binangga ay siya pa ang nagbigay ng pera sa tsuper.

Abot-abot ang papuri ng netizens kay Daniel at maging ang boyfriend nga ni Karla ay humanga sa kanya.

In his recent digital conference, ayon sa aktor ay ‘sorry’ lang talaga ang hinintay niya mula sa tricycle driver.

“Nung nabangga ako parang siyempre una ‘oh my God,’ ang unang nasa isip ko lang nun, sana hindi nabasag yung ilaw. Kasi ang hirap maghanap ng 1970 na ilaw nung kotse.

“Pero nung hindi naman, siyempre andun na rin yung, ‘Pare, anong ibabayad sa ‘yo nun?’ Wala naman eh. Wala naman silang maibibigay sa ‘yo tapos makikipag-away pa ako dun, magmumukha pa akong tanga dun. Para sa akin, kapag nagwala-wala pa ako, mukha akong gago sa kanila. Hindi naman ako ganun eh. Ayoko ng ganun. So ganun na lang, gusto ko lang na mag-sorry siya sa ginawa niya,” ani Daniel as reported by push.com .

Finally, nang nag-sorry na ang driver ay um-okay na raw siya.

“Kasi maraming mga driver na kapag nagkamali, mag-ri-reason out pa, magrarason pa ng kung anu-ano. Yung sa akin ko lang, aminin mo na mali ka, humingi ka ng paumanhin sa akin, okay na ako. Which yung driver na yun hindi pa niya ginagawa. Gusto pa niya ako sisihin sa nangyari. Pero eventually nag-sorry na rin siya so okay na ako dun sa ganun dahil it happens man. It’s inevitable. It happens,” sey pa niya.

Pero may nasabi pa rin daw ang ibang tao na may pera lang daw siya kaya ganu’n.

Paliwanag ni Daniel, “check nila kung pinaayos ko na yung kotse ko. Hindi ko pa rin naman ipinapaayos dahil mahal. Pero wala ka namang magagawa eh. Ano’ng magagawa ko?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.