Abante Tonite Interactive

Daniel sumuko kay Kathryn

DIVA CHRONICLES

467

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

May gusot na buti naman eh naayos agad ang seemingly perfect na relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Kamakailan, may mga nakapansin na itong si Padilla, hindi na sinusundan sa Instagram ang kanyang inamorata, siyempre pa si Bernardo. Paliwanag ng aktres, napindot lang daw ni DJ ang unfollow button.

Bago pa ito maging national issue at baka nga matabunan ang senatorial debates, super follow na ulit ni Daniel ang dala­gang sa malapit na hinaharap, baka maging nanay ng kanilang mga anak.

Ano kaya ang dahilan kung bakit dramang nag-unfollow si Padilla sa kanyang mahal? Ang diva that you love, hindi bet na mag-speculate kung sila ba ay nagka-major, major tampuhan dahil all is well na naman.

Saka lahat naman ng relasyon, kailangan ang breather. ‘Yun lang siguro ang ginawa ni Daniel, some fresh air and a little space, perhaps?
Marami ang umaasa na sa altar mauuwi sina DJ at Kath. Maaaring mangyari ‘yun pero hindi pa siguro ngayon or even in the next three or five years. Marami pa silang puwedeng gawin individually and collectively sa kanilang mga buhay. Sa true lang, love and marriage is a serious matter na hindi minamadali.

Judy Ann, Regine bet magpasabog sa pelikula

Sa isang panayam kay Judy Ann Santos, open na open ang nag-iisang Mrs. ­Agoncillo sa posibilidad na magkasama sila ni Regine Velasquez-Alcasid sa isang pelikula.

Wala na nga namang network war isyu dahil pareho na silang nasa Mother Ignacia station. Matagal na pala nilang pinag-uusapan ni Ate Chona na sila ay magsama kaya kung makikinig nga ang mga powers that be sa Mother Ignacia, pati na rin ang mga Pulis Pangkalawakan, ano kayang pelikula ang babagay sa dalawa?

Maliban sa future project ito, ang iba pang pinagkakaabalahan ni Juday ay ang kanyang most viewed “Judy Ann’s Kitchen” at ang “Starla.”

Sa “Starla,” ang kanyang kapareha ay si Raymart Santiago. Hindi ko alam kung ano ang kuwento behind sa “Starla.” Ito ba ay may intergalactic at alien elements, malay ko? Si Starla ba ay isang baklang parlorista, dahil tanging mga bakla lamang ang makakaisip ng ganyang pangalan? Ay, your guess is as good as mine! O, si Starla ay isang starfish na ‘pag may kinaing bato, sisigaw ng “Starla!” at siya ay biglang ­magiging si Juday?

May mga movie projects rin si Santos na kaabang-abang, ang “Magindanaw” na directed by Brillante Mendoza.

May gagawin rin siya para sa Reality Entertainment nina Director Erik Matti at Dondon Monteverde na ang balita ay tatlong projects ang kanyang gagawin at may isa rin siya para sa Star ­Cinema.

Hindi halatang masyadong busy si Judy Ann Santos-Agoncillo, hindi ba naman? Mahusay kasi at maga­ling, kaya ‘di na kataka-taka.