Abante Tonite Interactive

Daniel takot malaos ang KathNiel

0 476

NI: ARCHIE LIAO

Humigit-kumulang na sampung taon nang magka-love team sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa loob ng panahong ito, marami na silang nagawang mga pelikula at teleserye na bukod sa patok ay tinangkilik ng masa.

Katunayan nang makapanayam siya ni Direk Adolf Alix, Jr. sa #ExtendTheLove series presents Actors’ Cue, inamin niya na challenge palagi sa kanya kung may gagawin siyang proyekto kasama ang nobya.

Hindi raw naman sila nagsasawang makasama ang isa’t-isa.

Sinisigurado lang daw nila na kahit sa mga rom-com o drama na kanilang ginagawa, may bago silang ipakikita o io-offer sa kanilang mga tagahanga. Takot din ang aktor na maumay sa kanila ang mga fan.

Sa mga proyektong pinagsamahan nila,aminado siyang mas magaling sa kanya si Kathryn.

Naa-amaze nga raw siya dahil sa kahandaan nitong magmemorya at mag-deliver ng kilometric lines sa iskrip kumpara sa kanya.

Bilang artista, goal din niya na makilala bilang magaling na aktor.

Para sa kanya, para sa growth ng isang artista, food for the soul ang sumugal sa ibang proyekto tulad na lamang ng indie movie na ginawa niya kasama ang Asia’s best actress na si Charo Santos-Concio.

Tonite – Wendys Inhouse Ad