Abante Tonite Interactive

Daniel takot sa selosang Kathryn

496

Ni Vinia Vivar

Aminado si Daniel Padilla na seloso siya at minsan daw ay nawawala rin sa lugar ang kanyang pagseselos.

“Nawawala talaga minsan sa lugar pero kailangan mong ma-realize na… yeah, kailangan mong ma-realize, ‘yun lang. That’s it,” natatawang sabi ni Daniel sa “Magandang Buhay” guesting niya with Ian Veneracion aired yesterday.

Abante Hiring – IT dep

Para kay DJ ay normal naman daw siguro ang pagseselos kapag nagmamahal.

“Ang weird naman kasi kung hindi ka seloso. Parang normal naman na seloso ka dapat. Parang kung hindi ka nagseselos, there’s something wrong,” sabi pa ni DJ (tawag kay Daniel).

When asked kung kinikilig din ba siya kapag nagseselos ang girlfriend na si Kathryn Bernardo, aniya, “Minsan. Minsan, natatakot ako,” sabay tawa.
“Iba ‘yung cute na selos lang, eh. Pero, yeah, I’d rather choose na magselos na lang siya sa akin. Mas masarap sa feeling naman ‘yun.
Siyempre, feeling mo naman, ano, ang gwapo-gwapo mo rin pagka ganu’n,” dagdag niya.

Pero kung siya ang tatanungin, siyempre ay ayaw daw niya na may away sa isang relasyon at siyempre, mas gusto niya na inaayos ito agad.