Abante Tonite Interactive

Daniel tinanggihan si Angel

3,032

Pagkatapos ng seryeng ‘Ikaw Lang ang Iibigin’ sa ABS-CBN, pa­hinga muna sa ulit sa showbiz projects si Bulacan Vice Go­vernor Daniel Fernando. Aniya nang makausap namin over lunch kahapon kasama ang buong PMPC (Philippine Movie Press Club) officers and members, marami raw offers sa kanya sa pelikula at sa telebisyon, pero nag-beg-off siya.

Dapat pala ay kasama siya sa The General’s Daughter with Angel Locsin bilang isa sa main kontrabida pero gustong-gusto man daw niyang gawin dahil mala­king soap ito, hindi raw talaga kaya ng schedule niya ngayon.

“Siyempre, nanghihina­yang ako, maganda sana ang role kaya lang, tala­gang hindi ko kaya, eh. Itong ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’, ginawa ko na lang ‘yun pero talagang nahirapan ako sa schedule but buti na lang, nagpapasalamat ako sa ABS-CBN kasi binibigyan nila ako ng pagkakataon. Na bawat hilingin kong oras sa politika, binibigay naman nila.

“Pero siyempre, nahihiya rin ako sa ABS-CBN, dahil kung bibigyan nila ulit ako ng ganung pagkakataon, kukunin ko ‘yung time ng ibang taping sa politika, parang nakakahiya.
So siyempre, naaantala rin ang mga kapwa ko artista. So focus muna ako sa politika,” pahayag ng aktor/politiko.

Pangatlong termino na ni Daniel bilang Bise-Gobernador ng Bulacan at sa susunod na eleksyon ay tatakbo naman siya bilang Gobernador ng nasabing lalawigan pa rin kaya kinakailangang mag-focus siya talaga muna sa paparating na kampanya.

Piolo walang sexlife

Diretsahang sinabi ni Piolo Pascual na wala siyang sex life ngayon sa press launch ng bago niyang endorsement na My Daily Collagen.

Natanong kasi ang aktor kung nakakapagpa-active rin ng sex life ang naturang produkto pero, aniya, ay hindi raw niya masasabi dahil wala raw siya nito.
Ayaw nga siyang paniwalaan ng press kaya sabi niya “ba’t naman ako magsisinu­ngaling? Wala talaga, eh.”

So ibig sabihin daw, wala rin siyang love life at katwiran niya, wala raw siyang oras talaga.

Related Posts

Pero aminado naman siyang for a while ay lumabas-labas sila ni Shaina Magdayao.

“I was very vocal about Shaina before and you know, we’ve stayed quiet, we’re both busy. Then after nu’n, wala talaga,” sey ni Papa Pi.

Actually, totoo naman, sobrang busy naman nga ng aktor ngayon dahil may teleserye siyang Since I Found You na napapanood daily sa Kapamilya primetime which means madugo ang taping days plus mayroon pa siyang weekend show na Home Sweetie Home at Sunday variety show na ASAP.

Busy rin siya sa production outfit nila nina Erickson Raymundo and Joyce Bernal na Spring Films. May apat daw na pelikula silang naka-line-up at ang isa na nga rito ay ang tungkol sa Marawi victims.

Pero hindi raw muna siya gagawa ng pelikula habang may soap at tinanggihan nga raw niya ang offer na movie sa kanya.

Kaya nga ayaw na rin muna niya magkaroon ng girlfriend ngayon dahil hindi rin daw niya mabibigyan ng oras.

Nasabi noon ni Piolo na ‘pag nag-40 siya ay aatupagin na niya ang kanyang lovelife pero 41 na siya ngayon and yet, wala pa rin siyang oras.

“Sinabi ko rin ‘yun, akala ko nga, wala na akong trabaho at 40 pero 7 days a week ako sa ABS-CBN, so I’m just focusing on what I have to do and ‘yung mga time na wala akong ginagawa, tinutulog ko na lang,” sey pa ni Papa P.

Samantala, highly re­commended ni Piolo ang My Daily Collagen dahil buhat daw nang i-take niya ito araw-araw ay na-boost pa ang kanyang energy at na­ging maganda ang kanyang tulog.