Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel umalma nang sigawan ni Direk Cathy

0 214

Hindi makalimutan ni direk Cathy Garcia-Molina ang insidenteng nasigawan niya si Daniel Padilla sa pelikulang Got To Believe kung saan ay first time niyang nakatrabaho ang KathNiel.

“I will never forget when in the first few days of our shoot, if not the first, nasigawan ko si Daniel,” kuwento ni direk Cathy sa KathNiel’s 10th anniversary documentary video na inilabas ni Kathryn sa kanyang YouTube.

Patuloy ni direk, “nasa 3rd floor siya, nasa ground floor ako. Natilian ko talaga siya. Tapos after nu’n, tumawag na si Karla Estrada (Daniel’s mom). Bakit daw nasigawan ang anak niya” sabay-tawa.

Kinausap daw niya si Daniel and she learned na ayaw pala ng aktor na nasisigawan.

“Pinatawag ko si Daniel. Sabi ko, ‘may problema ka ba sa pagsigaw?’ ‘Opo,’ sabi niya. Apparently, Daniel doesn’t wanna be shouted at. Hindi siya ‘yung ganu’n. Sabi ko, ‘o sige, pangako, hindi na kita sisigawan uli. But you listen. If you don’t you’ll get it again’,” pagre-recall pa ni Direk.

Mula noon ay naging open na raw sila sa isa’t isa. Kapag nakikita raw ni Daniel na pasigaw na siya ay tinitingnan na siya na parang ‘umm, sisigaw ka na naman.’

“So, somehow, Daniel taught me how to calm down. He taught me parang to lie low,” sey pa niya.

Ang Got to Believe na first movie niya with KathNiel ay nasundan pa ng She’s Dating the Gangster at ito ngang last film nila ay The Hows of Us.

Sa tuwing makakasama raw niya ulit ang KathNiel ay nagi-improve at nagma-mature naman daw ang dalawa .Hindi na tulad ng mga batang Daniel at Kathryn na una niyang nakita sa Got to Believe.

Kisses nagkamali sa pag-ibig

Pahapyaw na nag-open-up sa kanyang love life si Miss Universe-Philippines 2021 candidate sa preliminary interview ng mga kandidata held last Sept. 23.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa sa mga tanong ay: “If we truly learn from our mistakes, would you advise a younger person to keep making them?”

Sa kanyang sagot ay inamin ni Kisses na nagkaroon na siya ng pagkakamali sa pag-ibig noong 17 pa lang siya.

“Absolutely. I think when I was 17 years old I have made so many mistakes in my life. Just thinking about them right now makes me nervous,” aniya.

“But I think, all those mistakes, like not trusting myself enough to love someone, all those mistakes will make me take more risks in the future and now, which is why I take more risks now because I used not to,” she went on.

Sa naturang preliminary interview ay binigyan ng pare-parehong set of five questions ang top 28 candidates na kailangan nilang sagutin ang bawat tanong in 30 seconds.

Ang naturang preliminary interview ay ipinalabas last Friday sa ktx.ph.

In fairness to Kisses, kahit mahihirap ang tanong ay nasagot niya ang mga ito with composure and confidence.

After the preliminary interview, ang next step ng pageant ay swimsuit ang evening gown competition na ginanap kahapon, Sept. 26.

Gaganapin naman ang grand coronation night sa September 30 at Henann Resort Convention Center in Panglao, Bohol.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Kisses sa The Purple Interview sa YT uploaded last Sept. 17 ay confident na sinabi ng aktres na deserving siyang mag-uwi ng korona.

“I think I deserve the crown because I have been preparing for this my whole life. The world has prepared me for this. The experiences that have been given to me, the love. Because I am able to give so much love because I have received that love from my mom and dad,” pahayag ni Kisses.

Leave A Reply

Your email address will not be published.