Abante Tonite Interactive

Daniel uunahin sina Sarah, Catriona bago si Kathryn

2,031

Ni: Dominic Ria

Humataw sa takilya ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards! Almost P500 million na ang kinita nito. Sa pagratsada ng HLG ay rumatsada naman ang tanong ng bayan kung ano naman daw ang bago kay Daniel Padilla?

Kahapon, isang text message ang aming natanggap mula sa isang kaibigan. Kinumpirma niyang isang malaking pelikula ang gagawin ni Daniel pero hindi muna kay Kathryn Bernardo.

Kinumpirma ng source, si Sarah Geronimo ang makakatrabaho ni Daniel.

Ibinalita rin sa akin ng isang kaibigan na posibleng makatrabaho rin daw ni DJ si Catriona Gray kapag hindi nagkaayos kay Sarah!

So, it’s either Sarah Geronimo o Catriona Gray ang magiging leading lady ni Daniel sa gagawin nitong pelikula na gugulong na anytime!