Abante Tonite Interactive

‘Daniela Mondragon’ bagong DOT ambassador

0 605

Maging si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat ay natuwa sa mga viral na meme ng mga aktres na sina Dimples Romana at Beauty Gonzalez, na tumatanghal din sa iba’t ibang destinasyon sa bansa, kaya naman inanunsyo nito ang pagiging volunteer tourism ambassador ng dalawang aktres.

Sa Instagram ni Puyat, naka-post ang video ng interview kina Romana at Gonzalez aniya, “We will be more than happy to welcome Dimples and Beauty to be part of the fun! Thank you for being our volunteer tourism ambassadors and congratulations on going viral!”

Agad namang sumagot sa panawagan ng kalihim ang dalawang aktres. Sabi ni Beauty, “Sec. Berna you are doing an awesome job in keeping up and amping up the fun in being a tourist in the Philippines. definitely MORE FUN with you. We love you!!”

Nagpasalamat din si Dimples kay Puyat sabi niya, “My meme #OhDani has been on local tourism sites on Facebook and online, all over the Philippines and I just feel so blessed that with my character as Daniela, many of our Filipino Kapamilyas are able to revisit and become more aware of the different beautiful places in our country.

Proud din ang aktres na makatutulong ito sa pagbibigay ng awarenes sa mga tourism site sa bansa at pangangalaga sa kalikasan.

Nagsimulang maging viral ang dalawang aktres dahil sa mga nakakatuwang meme ng netizen mula sa mga eksena sa kanilang teleserye sa Dos.

Nag-trend ang tila paglibot ni Romana sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas dahil sa pag-edit ng mga netizen sa larawan ng karakter niyang si Daniela Mondragon sa nasabing serye. (Gel Manalo)