Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniella mapanukso ang wankata

0 329

Pambato ng Biñan, Laguna si Daniella Marisse Fernandez. Naging kandidata siya ng Miss Philippines Earth 2020. Isa siyang company president. Mapanukso ang wankata dahil sa kaseksihan.

Siya’y 27 years old, may taas na 5’5” at may sukat na 34-25-35.

Naranasan na niyang mabaha sa Laguna sa loob ng tatlong buwan.

“But after the flood we now have a bigger playground. It was a fun, extraordinary and amazing childhood. Our parents taught us how to play piko, patintero and moromoro,” sambit niya sa website ng Ms.PH Earth.

Naging memorable sa kanya nang manalo siya sa Division Champion of the World – Modeling Category at the World Championships of Performing Arts(WCOPA) noong 2018. Naging kinatawan siya ng Pilipinas.

Ang naging adbokasiya niya sa Miss Philippines Earth ay i-promote ang tourism ng Pilipinas . Gusto rin niyang ipaalala sa mga turista na ang disiplina ang susi sa lahat ng mga gagawin sa mundo.

“As Arthur Ashe once said, “start where you are, use what you have, and do what you can” because we only have one Earth,” sambit pa niya. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.