Abante Tonite Interactive

Danielle sasabak sa Binibining Pilipinas

791

Posibleng maging isa sa pinakabatang contenders sa 2019 Binibining Pilipinas pageant si Danielle Isabel Dolk.

Wala pang announcement ng official candidates ng Binibini pero malakas ang chance na mapasama ang 18 years old na dalaga.

Siya ay half Filipino-half Dutch. May taas siyang 5’8”. Independent siya sa pamilya.

Mahilig mag-travel si Danielle. Naikot na niya sa Europe ang Germany Czech Republic, Holland, Belgium, France.
Fluent siya sa Tagalog, Dutch, German at English.

Bahagi siya ngayon ng Kagandahang Flores (KF) beauty camp.