Abante Tonite Interactive

Daniels, Banchero ­binara ang Dyip

215

Mga laro sa Miyerkoles:
(Ynares Center-Antipolo City)
4:30 p.m. – NorthPort vs Alaska Milk
7:00 p.m. – NLEX vs TNT KaTropa

Lumagok si Chris Daniels ng 25 points at 16 rebounds, habang bakas si tukayong Chris Banchero ng 20 markers para pahintuin ng Alaska Milk ang Columbian, 111-98, sa sambulat ng PBA Commissioner’s Cup eliminations Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ungos pa si Dyip reinforcement Kyle Barone kay counterpart veteran internationalist Daniels sa minanehong 30 pts. at 22 boards, pero nakontrol ng Aces ang final half, tampok ang dalawang 20-point lead, huli sa hook shot ni Banchero, 91-71, 9:36 sa gameclock ng fourth quarter.

Ayudahan pa para sa Aces sina Simon Enciso ar Carl Bryan Cruz ng 19 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa magarang gabi nila.

May 19, 13 at 10 puntos na tulong naman kay Barone sina Simon Enciso, Rashawn McCarthy at John Paul Calvo pero masaklap pa ring natapos ang araw ng mga ito.

Huling sigaw ng Dyip ang pagdikit sa siyam mula sa free throws ni Barone, 101-92, 3:22 sa orasan. Pero ‘di natinag ang komposyur ng winning team na nakaparehas ang tinalo sa 4-7 win-loss slate sa season-opening Philippine Cup.

Pero nakaabot ang Aces sa quarterfinals tapos ipatupad ang quotient sa tiebreak.

Ang iskor:
Alaska 111 – Daniels 25, Banchero 20, Enciso 19, Cruz 14, Teng 8, Racal 7, Ayaay 7, Thoss 5, Casio 4, Baclao 2, Galliguez 0, Pascual 0,

Columbian 98 – Barone 30, Perez 19, McCarthy 13, Calvo 10, Escoto 9, Corpuz 8, Camson 3, Celda 2, Tabi 2, Khobuntin 1, Cahilig 1, Agovida 0, Reyes 0, Faundo 0.

Quarters: 25-23, 48-54, 82-67, 111-98. (Lito Oredo)