Abante Tonite Interactive

Daniels coach din ang peg

441

Akala ni Alex Compton­ na kabisado na niya lahat ang galaw ni Chris Daniels,­ nasorpresa pa ang Alaska coach nang malaman na ‘di lang sa laro maaasahan ang 35-anyos na American.

“He’s like a coach,” bulalas ni Compton sa bago niyang import na naglista ng 25 points at 16 rebounds nang giyahan ang Aces sa 111-98 panalo kontra Columbian sa opener ng PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena nitong Linggo.

“He’s one of the smartest guys that I’ve been around. I wanna tell him something or what I believe, and he’ll go on about how he feels exactly the same way.”

May 21 points na si Daniels sa first half, pero walang pakialam sa scoring. Kung ayaw pumasok, hahanap ng paraan.

“He’s gonna read the defense and get the team the best shot,” dagdag ni Compton. “He’s very skilled, very smart.”

Ikinatuwa ni Daniels ang papuri ng coach, pero mabilis siyang bumuwelta na marami pa siyang dapat matutunan sa PBA. Mula sa pagiging­ 11-year pro, naglaro na rin ang import sa Korea, China, Jordan at Lebanon.

“I still have a lot to learn. I’m relatively new to this, so I have a ton of stuff to learn about the PBA,” anang produkto ng Texas A&M-Corpus Christi. “But while I’m on the floor, I’m going to help my guys any way I possibly can.”

Hindi aniya siya ma­ngingiming magsabi kung ano ang naiisip niyang makakatulong sa team.

May aspeto pa rin ng laro niya ang kaila­ngang hasain, lalo’t nakakolekta ng 30 points at 22 rebounds ang counterpart niya sa Dyip na si Kyle Barone. (Vladi Eduarte)