Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dante Gulapa pinadapa ng pandemya

0 753

NI: ARCHIE LIAO

Dahil sa pandemyang dala ng COVID-19, maraming kababayan natin ang nawalan ng trabaho at kabuhayan.

Apektado rin ang hindi lang mga mga ordinaryong mamamayan kundi pati na ang mga artista, entertainers na ang ikinabubuhay ay magbigay ng aliw sa ating mga kababayan.

Hindi exception dito ang internet star na si Dante Gulapa na sa kasalukuyan ay walang hanapbuhay.

Sa mismong facebook page niya, hindi niya itinago ang kanyang pagsubok na hinaharap.

Deretsahan siyang nagtangong sa kanyang followers kung merong alam ang mga itong trabahong puwede niyang pasukin.

Ayon pa kay Dante, nakahiwalay siya ngayon sa kanyang misis subalit nangangailangan pa rin siya ng tulong para masustentuhan ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

Ang madalas na pag-aaway daw ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Kaya naman, dala ng kakapusan, hindi na siya nagdalawang-isip na humingi ng tulong sa kanyang mga ka-Facebook.

Leave A Reply

Your email address will not be published.