Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Dante’ sumibat pa-West PH Sea

0 201

Tuluyan nang lumayo ang bagyong Dante at patungo na sa West Philippine Sea kaya inalis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang lahat ng tropical cyclone wind signals.

Sa pinakahuling forecast ng Pagasa ay huling namataan ang bagyong Dante sa Dagupan City, Pangasinan, taglay nito ang lakas ng hangin na 65kph at bugso na 90kph, kumikilos ito sa bilis na 35kph.

“All tropical cyclone wind signals are hereby lifted,”ayon sa Pagasa kung saan tuluyan nang hihina ang Bagyo sa Biyernes hanggang sa tuluyang malusaw pagsapit ng Sabado. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.