Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dapa sa pandemya! Shell refinery sinara

0 148

Permanente nang isasara ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. ang refinery operations nito sa Tabangao sa Batangas at gagawin na lamang import terminal.

Ayon sa Pilipinas Shell, mas mababa na ang ang presyo ng mga produktong petrolyo kesa sa gastos sa pagproproseso ng crude oil kaya nagdesisyong isara na ang refinery operations sa Tabangao.

Sa anunsiyo sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng Pilipinas Shell na umaabot na sa P6.7 bilyon ang nalugi dito as of June 30, 2020: P5.5 bilyon ang lugi nito nung first quarter at P1.2 bilyon naman nung second quarter.

Nung Mayo, pansamantalang isinara ng Pilipinas Shell ang Tabangao Refinery para mabawasan ang gastos nito dahil malaki ang binagsak ng benta simula nang nag-lockdown.

Sabi ni Pilipinas Shell president and CEO Cesar Romero, may kakayanang teknikal at pinansiyal ang kompanya para harapin ang mga dagok sa negosyo ngayon ngunit buong mundo ang apektado ng pandemya at malaki ang binagsak sa demand sa produkto ng kompanya ngayon at hindi na kakayanin ng kompanya ang laki ng gastos sa pagpapatakbo ng Tabangao.

“Due to the impact of the COVID-10 pandemic…it is no longer economically viable for us to run the refinery,” sabi ni Romero.

Dagdag ng kompanya, bahagya pa lamang nakababawi ang kompanya nung Mayo at Hunyo nang muling ilagay sa lockdown ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Rizal kamakailan.

Para manatiling matatag ang kompanya, dinesisyunan ng board of directors nito na huwag nang ituloy ang pamamahagi ng tubo nung 2019 sa mga shareholders o mga may ari nito para may pera itong maasahan sa mga pangangailangan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.