Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dapat bang ibalik na provincial bus?

0 75

Madami nang kumakati paa.

Sa tagal na natengga ang malayang paglalakbay sa mga malalayong lugar, literal na parehong kumati ang mga paa ng mga drayber at mga pasahero ng mga provincial bus.

Kaya nga makaraang ang anim na buwang tigil-operasyon ay pinag-uusapan na ng mga awtoridad ang pagbabalik-lansangan ng mga bus na may ruta sa mga probinsiya.

Pero hindi malayong malagay ito uli sa alanganin dahil pagsablay ng kagustuhan nina DOTR Secretary Arturo Tugade at NEDA Secretary General Karl Chua na tapyasan ang agwat ng umiiral social distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Ang pagbabagong ito ay naging sentro pa ng diskusyon sa pagpupulong sa Malacanang tungkol sa COVID-19 sa harap pa mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero kahit pa nagkaproblema sa implementasyon ng binagong social distancing sa mga pampublikong sasakyan, palagay ko ay puwede pa ring bumiyahe ang mga provincial bus.

Ang kailangan lang ay baguhin ng bahagya ang estilo ng pagsakay at pagbaba ng mga pasahero kagaya ng terminal to terminal pick-up/drop-off para maging maalwan ang contact tracing sa mga pasahero.

Pinakaligtas na siguro kung maging sa mga ordinary bus at regular aircon (2×2 seating configuration) ay gagayahin ang estilo ng mga de luxe units na hindi talaga tumitigil sa daan para mamulot o magbaba ng pasahero.

Kailangan lamang talaga ang ibayong disiplina sa paggalaw habang ang bansa ay nasa ilalim ng pandemya.

Hindi rin naman puwedeng habambuhay na matengga ang negosyo at antayin na bumalik sa normal ang situwasyon bago pumasada dahil kailangan nang gumana ang ekonomiya kaya dapat na magpatupad ng karagdagang disiplina.

Medyo magtatagal lamang siguo ang usapan ng mga awtoridad sa kunsumo ng krudo vs kikitain bago magbaba ng hatol kung pababalikin na sa kalye ang mga povincial buses.

Dahil hindi pa puwedeng mag-abroad, isa sa mga opsyon ng pamahalaan para makabangon ang ekonomiya ay ang domestic tourism at ang sektor na ito ay mabubuhay at sisigla lamang ulit kung may biyahe ang mga provincial buses.

Leave A Reply

Your email address will not be published.