Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dapat bang tanggalin ang pondo ng NTF-ELCAC?

0 303

Sa kabila ng ilang mga pasaring mga senador, hindi naman natinag si Lt. General Antonio Parlade Jr., ang kontrobersiyal na spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Palaban ika nga ang heneral.

Matatandaan na nagsimulang mag-init ang ilang senador kay Parlade dahil isyu ng red-tagging at profiling kay Ana Patriacia Non, ang organizer ng Maginhawa Community Pantry na namamagi ng tulong para sa mga salat sa gitna ng pandemya.

Nauna nang inakusahan ng mga awtoridad na konektado sa mga komunista si Non bagay na pinabulaan ng organizer ng naturang community pantry.

Pero lang pang nagpainit sa mga senador ay nang sabihin ni Parlade na maikukumpara ang community pantry ni Non sa mansanas ni Satanan. Kaya naman lalo pang napikon ang mga senador.

Anim na senador ang nanawagan na alisin na lang ang P19-bilyong pondo ng NTF-ELCAC para sa taong ito at gamitin na lang pang-ayuda sa mga natamaan ng pandemya.

Malaking bahagi ng pondo nito, P16 bilyon ay inilaan para sa development project ng 800 barangay na “freed: na ng communist rebel influence. Ang iba pang pondo ay gagamitin sa pagtatayo ng paaralan sa mg liblib ng mga barangay.

Pero katuwiran ni Parlade, ginagawa lang ng task force ang kanilang trabaho na i-check ang background ng mga organize ng mga community pantry dahil naskatanggap sila ng ulat na may ilang nagpapakalat ng anti-government propaganda.

Kaya nga lang, marami ang tumaas ang kilay hindi lamang ang mga mambabatas kundi maging ang mga netizen sa hakbang na ito. Pangamba nila, baka magtayo sila ng community pantry o magbigay ng tulong sa mga organizer nito eh maakusahan na konektado sa makakaliwang grupo.

Sa tingin ko naman, hindi dapat i-defund ang NTF-ELCAC dahil maganda maganda naman ang programang ito. Kaya nga inaprubahan ng Senado ang ng P19 bilyong pondo ng NTF-ELCAC ay dahil alam nilang may patutungahan naman ang programa nila.

Ang mainam siguro, base na rin sa rekomendasyon ni Senate Presidente Vicente Sotto III, ay palitan na lang ang organisasyon. Kung tatanggalan mo nga naman ng pondo, paano na ang mga programa na tiyak kong gumugulong sa ngayon.

Puwede namang i-realign ng pangulo pondo ng NTF-ELCAC, may kapangyarihan siya para gawin, pero mali yatang alisin ito sa panahon ito. Kung hindi matutuloy ang programa, may epekto ito sa mga barangay na makikinabang sa naturang proyekto.

Tutal malapit na naman ang budget season ng Kongreso kung saan pwede talakayin ang panukalang pondo ng NTC-ELCAC sa susunod na taon. Kung noong nagdaang taon nakalusot ang kanilang pondo, malamang sa susunod, dadaan ito sa butas na karayom. Abangan na lang natin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.