Abante Tonite Interactive

Dapat buo ang energy, bawal ding kabugin sa G7 – Jokic

299

Magsisipaan ang third-seeded Portland at second-seeded Denver sa Game 7 ng Western semifinals ngayon, dadayuhin ng mananalo ang Golden State sa Miyerkoles (araw sa Manila) para sa confe­rence finals.

May 133 Game 7s na sa kasaysayan ng NBA, 105 ang naipanalo ng home teams. Isa sa apat na Game 7s ay nadesisyunan sa three points o mas mababa pa. Bihira ang blowouts, 14 Game 7s lang ang nadesisyunan sa higit 20 points.

“It’s for our season, for all the marbles,” ani Trail Blazers guard Damian Lillard.

Isang Game 7 na ang nailusot ng Nuggets ngayong season, sa sariling kuwadra din kontra San Antonio sa first round. Nagsumite ng triple-double (21 points, 15 rebounds, 10 assists) si Nikola Jokic sa larong ‘yun.

Pero hindi umaasa si Jokic ng bentahe sa home court. Kailangan lang daw ay buong enerhiya sa laro, at hindi puwedeng kabugin.

“I’ve played basketball for 15 years. That’s what I’ve done my whole life. Why would I be nervous now?” aniya. “You control the game. You’re the one who’s playing.”

Ang Blazers ay 1-2 all-time, 0-2 sa road, sa Game 7s. Ang Nuggets ay 2-2 all-time, 2-0 sa home. Ngayon lang sila magtatagpo sa decider.

Huling nasa Game 7 ang Portland noong 2003, huling game ni Arvydas Sabonis sa NBA.

Isang laro sa series ay dumaan sa four overtime period ang Nuggets at Blazers, pangalawang four-OT game lang sa kasaysayan ng NBA playoffs.

Top scorers: Sina Lillard at CJ McCollum ng Portland, combined 311 points sa series, sina Jokic at Jamal Murray ng Denver ay 309 combined. Mitchell napukaw rin sa
PBA Spider-man intuder. (VE)