Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dapat patas sa Kapamilya: GMA imbestigahan din

0 342

Bukod sa ABS-CBN, kailangang masilip din ang kung may mga paglabag ang ilang media company sa bansa.

Hirit ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, hindi magiging patas sa Kapamilya network kung sila lang ang mapaparusahan at tigil-operasyon kung hindi rin titingnan ng Kongreso ang iba pang istasyon tulad ng GMA-7 na gaya ng ABS-CBN ay nagbebenta rin ng mga Philippine Depositary Receipts sa mga banyaga, na kinuwestiyon ng ilang kongresista.

“It will be unfair to ABS-CBN, which lost its franchise due to the foreign-owned PDRs, if we will not investigate all mass media in the country,” saad ni Barzaga sa panayam sa Politiko.

“What is applicable to ABS-CBN should also be applicable to GMA under the equal protection clause – persons similarly situated should be treated alike… The sauce for the goose, should also be sauce for the gander,” sambit pa nito.

Isa sa mga pinuna sa report ng technical working group na tumutok sa ABS-CBN franchise renewal ay ang umano’y pagbebenta ng PDR para magkaroon ng ownership ang mga banyaga sa network, na pinagbabawal sa Konstitusyon.

Ngunit ayon kay Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado, chairman ng House committee on good government and public accountability, parehas lamang ang PDR na binibenta ng GMA at ABS-CBN.

“So far only Channel 7 has submitted theirs. I read their PDRs, and the only difference I saw [with ABS-CBN’s] was the price,” ayon kay Sy-Alvarado. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.