Abante Tonite Interactive

Daquioag sinikwat ng TNT

0 469

Ipinagpatuloy ng Talk ‘N Text ng pagpapalalim sa bench para sa 45th Philippine Basketball Associatio 2020 na magbubukas sa Marso makaraang hablutin si shooter Eduardo ‘Ed’ Daquioag Jr. sa trade sa Rain or Shine.

Inihayag ng PBA sa website nila Martes nang hapon ang swap kung saan makukuha ng Elasto Painters ang karapatan para sa second round draft pick ng KaTropa sa 2020 at 2021.

Nakuha ng TNT ang draft rights sa NorthPort at ang 2022 mula sa San Miguel Beer.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nalipat si ­Daquioag tapos unang piliin ng Meralco sa 2016 Gilas draft bago ito inilipat sa Elasto Painters noong 2017.

Bahagi ang 28-anyos na si Daquioag sa tatlong batang manlalaro ng RoS kasama sina Javee Mocon at Rey Nambatac.

Pangalawang galaw na ito ng TNT, una nitong Enero 6 nang ilipat si Mike DiGregorio sa Alaska para kay Simon Enciso kapalit ang 2023 second round pick. (Lito Oredo)