Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daquis bawas sebo kaagad

0 178

KUNG ang iba ay pakuya-kuyakoy lang at lafang ang inaatupag sa pagpasok ng Bagong Taon, iba ang peg ni volleybelle Rachel Anne Daquis.

Imbes kasing tumambay sa hapag kainin ay rekta ang balibolista sa balkonahe at kinarir agad ang body fitness at pagbabbawas ngvtaba o sebo sa katawan mula sa matinding kainan sa nagdaang Christmas holiday.

Sa inilabas niyang Instagram post ay kitang pagpapapawis agad at jumping rope ang inatupag ng dalaga.

“Day 1 of 365! Let’s start our year right,” pangmo-motivate ng dating ‘Queen Tamaraw’.

Magugunitang huling naglaro sa court ang 34-anyos na balibolista noong 2021 PVL Open Conference para sa koponang Cignal HD Spikers.

Hindi naman naging maganda ang kampanya nila sa torneo dahil tumapos lang sila ng isang panalo sa loob ng siyam na laro. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.