Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daquis, Cignal HD tatapatan BaliPure

0 247

Mga laro ngayon:
(PCV Socio-Civic
& Cultural Center)
1:00pm — Creamline vs PLDT
4:00pm — Choco Mucho vs BanKo Perlas
7:00pm — Cignal vs BaliPure

Sasandal ang Cignal HD Spikers sa kanilang star player na si Rachel Anne Daquis kontra BaliPure Purest Water Defenders sa main game ng triple header sa 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Tiyak na ibabangon ni veteran Daquis katuwang si May Luna sa 7pm tussle nila sa BaliPure.

SM food to go Banner Ad

Galing sa talo ang Cignal nitong Biyernes kontra Petro Gazz Angels.

Kumamada si Daquis ng 12 points sa huling laro, habang may siyam naman si Luna.

Tatapatan sina Daquis at Luna ng pambato ng Water Defenders na si Graze Bombita na humambalos ng 24 points nitong Huwebes sa panalo laban sa Chery Tiggo Crossover sa pamumuno ng mag-ate na sina Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.