Abante Tonite Interactive

Daquis, Dionela rarampa sa Cignal vs Sta. Lucia

273

STANDINGS
TEAM W L
F2 Logistics 3 0
Petron 1 0
Generika-Ayala 2 1
PLDT 1 1
Foton 1 2
Sta. Lucia 1 2
Marinera 0 3
Cignal 0 0

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre, San Juan)
2:00 p.m. – PLDT vs Marinera
4:15 p.m. – Sta. Lucia vs Cignal
7:00 p.m. – Petron vs Foton

Makikilatis ang Cignal pagharap sa Sta. Lucia sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference prelims sa Filoil Flying V Centre sa San Juan ngayong Martes.

Huhugot ng puwersa si HD Spikers coach Edgar Barroga kina veteran Rachel Anne Daquis, libero Angelique Beatrice Dionela, Mylene Paat at Jannine Navarro upang makuha ang magarang binyag sa kanila midseason conference.

Malalaman kung gaano kalakas ang HD Spikers kontra Lady Realtors sa alas-4:15 nang hapon sa mabigat na tatlong larong isasalang.

Nakakatalong laro na ang Sta. Lucia at nanalo ng isa kaya posibleng maging bentahe ito kontra HD Spikers sa event na mga suportado ng Team Rebel Sports, SOGO, Eurotel, PCSO, Cocolife, UCPB Gen, Mueller, Senoh, Asics, Bizooku at One Sport.

Patuloy na hina-hanap naman ng Marinerang Pilipina Lady (0-3) ang unang panalo matapos malugmok sa unang tatlong salang.

Nasa ilalim ng team standings ang Lady Skippers tungo sa alas-2 ng hapong pakikipagsabunutan sa PLDT Home Fibr (1-1).

Magbabanatan sa pangatlong laro ang Petron (1-1) at Foton (1-2). (Elech Dawa)