Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daquis ganado sa trash talk

0 208

KUMASA sa hamon ni Cignal HD Spikers player Rachel Ann Daquis ang kapwa niya volleyball superstar na si Marck Espejo.

Lantarang hinamon ni former FEU Lady Tams Daquis si 23-anyos spiker Espejo sa isang 5-on-5 match sa ‘Mobile Legends: Bang Bang’.

“OMG guys meron na tayong kalaban at tinanggap na niya ang aking hamon. Alam niyo ba itong player na ‘to ay isang mythic player,” pahayag ni Daquis.

“Kilalanin natin siya, ito ay si …. Marck Espejo!”

Dahil palaban ang 32-anyos na balibolista ay hindi ito nagpaawat sa trash talk.

“So Marck, magpractice ka lang diyan 24-hours kasi tatalunin kita! Charot!,” pabirong pahayag ng dalaga.

“So alam niyo guys puro yabang lang ako, hindi ko ito kaya mag-isa.”

Dahil sa kaba, nagpasaklolo sa ibang katropa at naghanap ng alas si ‘Queen Tamaraw.’

“Parang kailangan natin ng pro-player dito, meron akong kaibigan – sana pumayag siya,” sey nito. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.