Abante Tonite Interactive

Daquis inakbayan ang Cignal laban sa Generika

By
119

Naalpasan ng Cignal HD Spikers ang Generika-Ayala Lifesavers sa kanilang five-set match, 26-24, 17-25, 25-22, 20-25, 17-15, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference, Sabado sa Alonte Sports Center sa Laguna.

Ito na ang ikalawang panalo ng Cignal sa kanilang pangalan habang nalasap naman ng Generika ang kanilang ikatlong sunod na talo.

Lamang ng dalawang set, tangan ng Cignal ang kumpiyansa sa pagpasok ng ikaapat na set pero tila nag-iba ang takbo ng laro ng dinomina ng Generika ang blocking department na talaga namang nagpahirap nang husto sa HD Spikers.

“Lumabas talaga ‘yung character ng team. Pinakita nila na gusto talaga nilang bumawi. Today, we still showed na we have a lot to improve. Pero I’m happy na lumabas ang character namin,” wika ni Cignal coach Edgar Barroga.

Sa pagpasok ng huling set, parehong uhaw sa panalo ang dalawa at hindi nagpatinag hanggang sa dulo ng laban.

Nangunang makalamang ang ­Generika 11-9 sa tulong ng down the line hit ni Patty Orendain pero hindi napa­natili ng Lifesavers ang kalamangan sa kanilang pangalan dahil agad itong naitabla sa attack error ni Orendain.

Muling nagtabla sa 14 ang laro sa down the line hit ni Rachel Ann Daquis at muling nasikwat ng Generika ang match point pero naitabla muli ni Daquis sa 15.