Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daquis kinarir ‘Call of Duty’

0 276

Tila kinakarir na ni Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ang pagiging gamer dahil pati ang isang sikat na mobile game na ‘Call of Duty Mobile’ ay pinasok na rin.

Sa Facebook account ng 32-anyos, 5-10 ang taas na Cignal HD volleyball player, nakangiti at ini-enjoy niya ang cellphone sa play habang relax nasa sofa.

Ligaya muna bago hirap ang kanyang peg dahil pinagbigyan muna ang sariling malibang bago magbanat ng buto.

“Laro muna bago work. Gamer muna ako bago mag-coach!,” caption kahapon ng outside/open hotter.

Bukod kasi sa pagba-volleyball at mobile games, suma-sideline rin ang ‘Queen Tamaraw’ sa pagmomodel, pag-eendorso at pagbebenta ng gym equipments. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.