Abante Tonite Interactive

Daquis kumayod, Cignal nambulabog

1,251

Nasilo ng defending champion Cignal HD Spi­kers ang outright semifinal berth matapos kalusin ang Cocolife 25-21, 25-21, 25-22 kagabi sa preliminaries ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Muntinlupa Sports Center.

Muling kumayod si skipper Rachel Anne Daquis upang ilista ang 4-0 karta ng HD Spikers at hawakan ang top spot sa Pool B.

Kinakapitan ng HD Spi­kers si Daquis kapag dumidikit ang Asset Managers.

Hawak ng Cignal ang 24-15 sa first set, humataw ang Cocolife ng 6-0 kaya naman nakadikit sila ng bahagya, 24-21, subalit ‘di na sila pinaporma ng da­ting Far eastern University star Daquis at tinapos nito ang laban mula sa kanyang malutong na palo.

“Rachel was really very eager to win this game for us. She played in beast mode and carried the team,” saad ni Cignal head coach Edgar Barroga.

Sa third set, pinalo ni Daquis ang semis-clinching backrow kill upang kumpletuhin ang pagwawalis sa Cocolife sa event na suportado ng Isuzu, UCPB Gen at Sogo Hotel kasama ang ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV bilang broadcast mga partner.

Nagtala si Daquis ng 15 points mula sa 13 attacks at dalawang blocks kasama ang pitong seven digs habang namuno sa opensa para sa HD Spikers si National Pool member Mylene Paat na may 16 puntos.

Semplang ang Asset Managers sa fourth place sa Pool B kaya lalaro sila para sa classification battle para sa seventh to 10th places simula sa Martes.