Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daquis pasabog ng alindog

0 95

Hindi papakabog pagdating sa kaseksihan si Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis na ipinasilip ang kanyang beach body sa social media Biyernes.

Nag-post ng ilang mga larawan ang Cignal HD Spikers ace hitter sa Instagram kung saan makikita ang kanyang taglay pa ring alindog suot ang isang two-piece swimsuit.

SM food to go Banner Ad

Naka-orange swimwear, sisid parang sirena ang 33-year-old, 5-foot-9 volleybelle sa ilalim ng dagat.

Caption ng dalagang beteranang balibolista sa isa pang IG post, “Fear is only as deep as the mind allows.”

Inaasahang hahataw siya PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa darating na Pebrero sa Subic mula nang matengga nitong Marso 2020 dahil sa Covid-19. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.